(NI BETH JULIAN)
PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga kadidato para sa May 2019 elections.
Sinabi ni Duterte na may kalayaan ang mga tao na mamili ng mga kandidatong sa tingin nila na mahusay at makatutulong sa kapakanan ng nakararami.
Kandidato man ng administrasyon, oposisyon at independent political party, sinabi ng Pangulo na dapat lamang na makapamili ang mga botante ng kanilang iboboto.
Ayon sa Pangulo, hindi uubra ang intimidation o pananakot upang mangibabaw ang diwa ng demokrasya.
Kapag pinalitan ng karapatan ang sinuman na hindi sumang ayon sa kasunduan ng iba ay mawawalan ng saysay ang demokrasya.
Bukod dito ay nanawagan ang Pangulo sa lahat ng kandidato sa buong bansa na isipin at huwag kalimutan na may karapatan ang bawat isang botante na busisiin ang pagkatao ng bawat kandidato at mamili sa mga ito kung sino ang isusulat sa balota.
170