KAPOS NG P97-B; LIBRO NG MGA CASINO BUBULATLATIN

(NI BERNARD TAGUINOD)

BUBULATLATIN ng House committee on games and amusement ang libro ng mga casino sa bansa matapos kapusin umano ng P97 Billion ang kinita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) noong 2018.

Sa House Resolution (HR)  672 na iniakda ni House assistant majority leader Nina Taduran, ng ACT-CIS party-list, inaatasan nito ang nasabing komite na imbestigahan kung talagang P200 Billion lamang ang kinita ng Pagcor noong 2018.

Ginawa ni Taduran ang nasabing resolusyon matapos lumabas na ang tinataya ng Credit Suisse, na isang investment bank, na ang kita sa mga casino sa Pilipinas ay $6 Billion.

Katumbas ito ng P297.35 billion subalit P200 Billion lamang umano ang naireport ng Pagcor na kanilang kinita sa mga casino noong 2018 o kulang ng P97.35 Billion kung ang Credit Suisse report ang pagbabasehan.

“We want to probe the books of these casinos as there are reports of the misdeclaration of some integrated resorts and casinos of their revenues, consequently affecting the gaming tax remittances to the government,” pahayag ni Taduran.

Sa ngayon, ayon sa mambabatas,  ay mayroong 9 na private casino firms sa Pilipinas na nag-ooperate ng P1,580 table at 9, 895 electronic gaming machines, base sa datos  umano ng Pagcor.

Bukod dito, ang 470 tables at 9,679 gaming machines na iinooperate mismo ng Pagcor.

Sinabi ng mambabatas na kung talagang hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga casino sa bansa ay malaking epekto nito sa social service lalo na’t parami ng paraming mahihirap na Filipino ang nangangailangan ng tulong pinansyal sa Pagcor.

327

Related posts

Leave a Comment