KASO NG HIV SA PINAS TUMATAAS – DOH

TUMAAS ang bilang ng mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas.

Sa katunayan, nakapagtatala ang Department of Health (DOH) ng 55 bagong kaso ng HIV kada araw.

”We have about 59,000 people living with HIV… That’s still low for a country with 110 million. But ang ating mataas is new cases, 55 new cases a day, highest in the world. That’s why we need to stop,” ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.

Tinuran pa rin ng Kalihim na nakipagpulong siya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte para pag-usapan ang pangangailangan na turuan ang mga kabataan ukol sa HIV.

Pinag-usapan naman aniya ng departamento ang pagbibigay ng pangkaraniwang HIV services sa pangkalahatang pangunahing health care facilities sa bansa.

Winika nito na makatutulong ito para pangalagaan ang bilang ng HIV infections sa bansa.

“The data we have shows the way for what we do. Better health literacy including age- and culture-appropriate information and commodities for safe sex, routine HIV testing at primary care, and early access to antiretrovirals are clear directions to take,” ang sinabi ni Herbosa sa isang kalatas.

Tinukoy ang data mula sa HIV & AIDS at antiretroviral therapy (ART) Registry of the Philippines (HARP), sinabi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 3,410 bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Marso 2024 na may 82 na napaulat na nasawi.

Sa mga kaso naman ngayong taon, may 1,224 ang naitala para sa buwan ng Marso lamang na mayroong 12 ang nasawi kung saan ang edad ay mas mababa sa 1 taon hanggang 55 taong gulang na mayroong panggitnang edad na 28 taong gulang. (CHRISTIAN DALE)

74

Related posts

Leave a Comment