KASO VS WELLMED DIALYSIS CENTER IBINASURA

wellmed12

(NI JEDI PIA REYES)

IBINASURA ng Quezon City Regional Trial Court Branch 219 ang kasong estafa laban sa may-ari at dalawang tauhan ng WellMed Dialysis Center na nasasangkot sa umano’y ghost claims sa PhilHealth.

Sa resolusyon ni Judge Janet Abergos-Samar, hindi nito inaksyunan ang kasong estafa through falsification of official documents laban kina Bryan Sy, ang may-ari ng dialysis clinic at sa mga dating empleyado nitong sina Edwin Roberto at Liezel Santos de Leon dahil sa kawalan ng hurisdiksyon ng korte sa usapin.

Paliwanag ng hukuman, maaari pa ring malitis ang mga nasasakdal kung ihahain ang reklamo sa Metropolitan Trial Court dahil ang maximum na penalty lang na pinag-uusapan ay anim na taong pagkakapiit.

Nilinaw din ni Judge Samar na ang pagkakadismiss sa kaso ng tatlo ay hindi nangangahulugan na inosente sila sa kontrobersya sapagkat ang naging problema lang ay sa maling korte ito naisampa.

Si Sy ay nadidiin sa kaso matapos umanong ipag-utos ang pagpeke sa mga dokumento sa pamamagitan ng paggaya ng mga pirma at paglikha ng hindi totoong pahayag upang makapag-claim ng benepisyo sa Philhealth.

Nauna nang kinumpirma ng PhilHealth na 28 ng mga medical case na inihain ng WellMed sa kanila ay kinasasangkutan ng mga patay nang pasyente habang 12 ang patuloy pang iniimbestigahan.

172

Related posts

Leave a Comment