KASUNDUAN NG MAYNILAD, MANILA WATER HANGGANG 2037 HAHARANGIN

maynilad1

(NI NOEL ABUEL)

NAGKAKAISA ang mga senador na isantabi ang pinasok na  concessionaire agreement ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water hanggang 2037.

Ayon kina Senador Aquilino Pimentel, Senador Bong Go at Senador Francis Tolentino kailangang pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang kontrata sa nasabing dalawang water concessionaires dahil sa natuklasang kuwestiyunableng nilalaman ng kontrata.

“Ang original lifetime ng contract ay 2022, sa gitna nu’n nag-agree na i-extend from 2022 to 2037. Pero para sa akin ‘yung agreement to extend ay hindi pa effective  kasi nga hindi pa naman nagi-expire. Sa akin pwedeng i-disregard ‘yun ng Duterte administration,” sabi ni Pimentel.

Kapwa naman sinabi nina Go at Tolentino na ginigisa sa sariling mantika ang taumbayan ng Maynilad at Manila Water Water sa ginagawang pagpapataw ng mga gastusin sa mga kumokonsumo ng tubig.

Dagdag pa ni Pimentel, dapat nang ikonsidera ng pamahalaan na maghanap ng bagong concessionaire dahil sa pagmamalabis ng dalawang water concessionaires.

Sinabi pa ni Tolentino na dahil sa corporate greed ng Maynilad at Manila Water ang dahilan kung kaya’t nakakaranas ng krisis sa tubig.

“Ang corporate greed ng mga water concessionaire ang rason kung bakit nagkakaroon tayo ng

krisis sa tubig ngayon. The water crisis has affected not only the national economy or the productivity of students, workers and everyone in society but it ultimately puts the health of the people, especially children, at serious risk and threatens the country’s attainment of sustainable

development,” sabi pa ni Tolentino.

Giit naman ni Go, kulang na nga ang ibinibigay na supply ng tubig ng naturang mga water concessionaires ay nakapagtatakang pagpapataw pa ito ng mataas na singil.

“I urge the Department of Justice, the Department of  Finance and the Office of the Solicitor General to perform your mandate and ensure that the government protects the interest of the Filipino people. Hindi natin kailangan ng mga kumpanyang pinagkakakitaan lang ang ating mamamayan. Protektahan natin ang karapatan at kapakanan ng ating bayan at ng ating mga kababayan,” sabi pa ni Go.

189

Related posts

Leave a Comment