BAWAS-PRESYO

oil price hike12
0

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa bukas ng umaga, (Disyembre 10).

Epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga na magpapatupad ang Phoenix Petroleum Philippines ng P0.10 sentimong kada litro ang kaltas sa presyo ng diesel at P0.30 naman kada litro ng gasolina.

Habang ang Petro Gazz, PTT Philippines at Seaoil ay magpapatupad naman ng P0.10 kada litro sa diesel at P0.40  sentimos sa gasoline.

Nagbawas din ang Pilipinas Shell at Petron Corporation ng P0.40 sentimos kada litro sa presyo ng gasoline at kerosene.

Samantala, epektibo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi ipatutupad ng Chevron Philippines Inc. O (Caltex) ang tig P0.40 kada litro ng kanilang WPP of Platinum and silver at kerosene.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment