(NI DAHLIA S. ANIN)
BALIK-OPERASYON na ang Keno Game at Instant Sweepstake Scratch-it ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Sabado.
Ito ay matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon sa naturang game scheme at epektibo na ito simula ngayong Setyembre 28, 2019.
Noong Hulyo nitong taon ay sinuspende ng Pangulo ang prangkisa, permit at lisensya ng lahat ng operasyon ng lotto game mula sa PCSO dahil umano sa korapsyon.
128