(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO)
PINANGUNAHAN ni JR Quinahan ang NLEX Road Warriors sa 105-99 win laban sa Meralco Bolts kagabi sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtala si Quinahan ng 19 points, kasama ang key baskets sa third period para takasan ang naghahabol na Bolts.
Ang import na si Oluseyi Ashaolu ay nagdagdag ngg 17 points at 13 rebounds para sa NLEX, na ngayo’y 2-0 na sa ongoing conference.
Humirit si Quinahan ng dalawang three pointers para silaban ang 14-0 run na nagdala sa four-point lead ng NLEX sa 18 puntos na abante, 73-55.
Umabot pa sa 20 points ang kalamangan ng Road Warriors.
Samantala, tinanghal namang Cignal-PBA Press Coprs Player of the Week si Raymond Almazan, matapos magingg pangunahing instrumento sa naging panalo ng Meralco noong nakaraang linggo.
Binuhat ng beteranong sentro ang Bolts mula sa 16-puntos na pagkakaiwan tungo sa pambihirang 98-92 comeback upset win kontra sa defending champion na Magnolia.
Naglista ang 6’8” na si Almazan ng 19 puntos at 13 rebounds sa kanyang unang laro sa Meralco matapos ang kampanya kasama ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa China.
Kinatampukan ng nagliliyab na tres sa huling minuto ang magandang performance ni Almazan para sa Meralco na naging bagong koponan niya noong 2019 PBA Commissioner’s Cup matapos mai-trade ng long-time team na Rain or Shine.
Dinaig ni Almazan ang kanyang Gilas Pilipinas teammate na si CJ Perez na nagrehistro ng 25.0 puntos at 11.5 rebounds para sa Columbian Dyip na nagkasya lang sa 1-1 baraha sa nakalipas na linggo matapos ang panalo kontra sa Alaska at kabiguan kontra sa Rain or Shine.
Kandidato rin sa lingguhang parangal na iginagawad ng PBA Press Corps sina Kiefer Ravena ng NLEX, Greg Slaughter ng Ginebra, Robert Bolick ng Northport, Rey Nambatac ng Rain or Shine at Chris Newsome ng Meralco.
151