Kinastigo ng netizens sa pagsasabing ok lang ma-bully ROBIN PADILLA LAST KA NA

KINASTIGO ng netizens si Senador Robin Padilla matapos nitong sabihin na okay lang ang physical bullying.

Para sa netizens, hindi katanggap-tanggap at wala sa lugar ang katwiran ni Padilla.

Pinayuhan din nila ang mga magulang na turuan ang mga anak na iiwas sa bullying upang hindi na magkaroon ng panibagong Robin Padilla sa hinaharap.

Sa pagdinig ng Senado kamakalawa kaugnay ng Anti-Bullying Act, itinuturo ang pamilya na kadalasang ugat o rason kaya nagiging ‘bully’ ang isang bata.

Tinukoy ni Child Protection Network Foundation Executive Director Dr. Bernadette Madrid na batay sa National Baseline Survey noong 2016, naitala ang napakataas na physical violence na nararanasan ng mga kabataan sa kanilang tahanan na nasa 66 percent at ito ay iniuugnay nila sa resulta rin ng parehong survey kung saan ang mga kaso ng bullying ay naitala sa 65 percent.

Paliwanag ni Madrid, ang mga batang nagiging bully ay repleksyon lamang ng nararanasan nilang iba’t ibang karahasan mula sa mga miyembro ng kanilang pamilya.

Bukod sa physical violence, naitala rin ang emotional violence sa mga kabataan sa 58 percent at sexual violence sa 20 percent.

Hindi aniya napapansin ng mga magulang na ang malulupit na paraan ng pagdidisplina ay nauuwi sa pagiging agresibo ng mga kabataan.

Hiniling naman ni Institute for Psychosocial Services Founder Dr. Ma. Lourdes Carandang sa pamahalaan na magsagawa ng ‘nationwide advocacy o awareness’ patungkol sa ‘violence against children’ sa mga tahanan at ang epekto nito sa mga kabataan.

Naniniwala ang mga resource person na ang epektibong parenting program sa bansa ang isa sa mga magiging solusyon para mapababa ang kaso ng bullying sa mga paaralan.

Sa nasabing pagdinig, sinabi ni Padilla na naniniwala siya na mas kayang i-handle ang physical bullying kaysa mental bullying dahil tila nagiging mental torture ito.

“Physical torture, sorry pero para sa akin, nakatulong pa ‘yun para ako’y maging, ‘di naman po sa usapin lamang ng humarap sa buhay, palagay ko mga 20%, 30% nakatulong pa yun.

Pero yung mental bullying, siguro po ‘yun po ang dapat nating harapin at kung anuman po siguro ‘yung physical bullying ‘pag umabot na siguro na gusto ka nang patayin, ‘yun na ‘yun. Pero ‘yung kadyot kadyot lang diyan, ok lang,” paliwanag ng senador na ikinadismaya ng netizens.

Nagpahayag na ng frustration ang maraming Twitter user dahil lagi anilang sablay si Padilla tuwing nagsasalita ito sa Senado.
Narito ang ilan sa mga komento:

@brionesaaronme: there’s no thin line when it comes to bullying b’coz regardless if its slight or major it’s still bullying, i’m disappointed w/ such mindset Sen Robin Padilla. i don’t want my young nieces or nephews to experience being aggrevated in places such as school or their friends
Sofi: We cannot let people (with absolutely no emotional intelligence or respect for the constitution) be our legislators. Robin Padilla has the emotional intelligence of a fucking pebble

MM: No progressive country will ever advocate “physical torture” as disciplinary tool of educators, Philippines has gone backwards by putting uneducated lawmakers, case in point Robin Padilla.

Aissa: TFW someone says I was physically abused/bullied as a child and I turned out fine and they very clearly not fine 🫠 I see so many variations of this in Filipino culture. Robin Padilla embodies this tough guy ideal that Filipinos admire but it’s just toxic masculinity.

NIF: Ito masasabi ko. Thank God at hindi ko binoto si Robin Padilla.

Tila suhestyon naman sa Senado ang binitiwan ng isa na nais ipasuspinde ang senador.

Carwyn: If the Philippine Senate has any responsibility for its members, they should reprimand, perhaps even suspend, Robin Padilla.

Any form of torture, especially state-sponsored, is in direct violation of the Constitution. Promoting torture is a grave statement.

jopay: plz lang ibalik niyo ako sa 2021 na si duque at roque lang ang punyeta 😭😭😭 robin padilla anong kahibangan bat kami nadadamay sa personal kink mo!!!!

Emille J.: The twitter quotes calling him gago is hilarious. 😂.

Sir Robin Padilla, any forms of bullying are wrong po both physically and mentally. As a former victim na suki ng beat ups, sexual abuse, cyber and verbal abuse noon. I say isa ito sa dapat puksain. Workplace & Schools!

JustMe Julia: kung normal lang kay Robin Padilla ang pananakit physically e hindi normal ang pagiisip nito. iyong anak mo na pinag-buwisan ng buhay hahayaan mo na lang saktan ng iba?

Swabeng insulto naman ang ibinato ng isa pang netizen. Turuan daw ang mga bata na huwag mam-bully para wala nang lumabas na isa pang Robin Padilla sa hinaharap.

kila: If anything, this makes Robin a better poster child to stop physical torture.

“Teach your kids to stop bullying other kids so we won’t get another Robin Padilla in the future.”

julz: pag na (physical) bullying pala kayo, magiging tulad mo si robin padilla. gusto mo yon?

maria: sumasakit ulo ko kapag may nakikita akong mga statement ni robin padilla patungkol sa mga social issues sa ph shdgshsha bat ka ba kase nandiyan

Ceel: “Senator Robin Padilla said that physical torture has helped him in life……”
says someone who was convicted of criminal charges.

mich: well ano pa aasahan kay robin padilla. kung yung pangangaliwa nga ni aljur kay kylie, ok lang sa kanya kasi natural lang daw yun sa mga lalake. yan torture na yan, baka yan ang dahilan kaya ganyan sya mag isip ngayon. nakalog ang utak.

Hannah: ANY FORM OF BULLYING IS NOT AND WILL NEVER BE OKAY. Bakit ba ang hilig n’yo iromanticize ‘yung mga ganitong bagay kesyo natulungan kayo? Ayan ang number 1 senator. Pucha. I can’t believe y’all voted Robin Padilla over Atty. Chel Diokno

aesikyut: Im just awed by the mindset of the honorable, kagalangalang, at pitagang senador robin padilla. Mukhang hindi nya ginagamit utak nya, benta na nya sa shopee malapit na 3.3 sale. Ganun na ba kababaw mga mambabatas natin?

(Editor’s Note: May opinyon ka rin ba sa isyung ito? Share mo na sa pamamagitan ng email: saksi.ngayon@gmail.com/ text: 0939-6138715/ o sa aming website: www.saksingayon.com

152

Related posts

Leave a Comment