(NI NOEL ABUEL)
IPINAGTANGGOL ng dalawang senador ang naging paggastos ng mga ito noong nakalipas na taong 2017 na inilabas ng Commission on Audit (CoA).
Pinaninindigan nina Senador Koko Pimentel at Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na walang masama sa kanilang naging paggastos noong 2017.
Tugon ito ng dalawang senador makaraang lumabas sa report ng CoA na sila ang top 2 biggest spender sa Senado.
Sinabi pa ni Pimentel na hindi na nakakagulat ang ulat dahil nang mga panahon na iyon ay ito pa ang naupong Senate President.
Ipinaliwanag nito na ang pinuno ng Senado ang may pinakamataas na budget allocation dahil maroon itong dagdag na responsibilidad at mandato.
“That is expected. The Senate President is allocated a higher budget, because as the head of agency he also has many additional responsibilities and functions,” paliwanag ni Pimentel.
Hamon pa nito na maaari umanong balikan ang report ng gastusin ng mga senador sa mga nakalipas na taon at kung lilitaw na hindi ang Senate President ang biggest spender ay magiging malaking sorpresa.
Sa panig naman ni Trillanes sinabi nito na ginamit lamang nito ang budget na inilaan para sa kanyang tanggapan kasabay ng pagdiin na walang nakalagay sa CoA report na may iregularidad sa kanyang expenditure.
151