(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY RAFAEL TABOY)
IPAPANUKALA ng isang senador na ilagay ang lahat ng koleksyong makukuha sa isinusulong na bagong sin tax bill sa universal healthcare (UHC) program ng pamahalaan.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hihilingin nito sa kanyang mga kabaro na ilagay ang makokolektang dagdag-buwis sa tobacco products sa pagpapagamot ng mahihirap.
“I would propose that the increases in the excise tax on tobacco as a result of the sin tax that we are working on now should be devoted solely to the universal health program and benefit the entire country,” aniya.
Kumpiyansa ang Senado na maipapasa ang nasabing panukala bago mag-adjourn ang Kongreso sa susunod na linggo lalo na at sinertipikahan itong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Drilon na sa makokolektang P15B sa dagdag buwis sa sin tax ay hindi pa sapat para suportahan ang UHC program.
208