KOLEKSYON NG BUSINESS TAX SA LGUs, PATATAASIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

ISINUSULONG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang panukala na naglalayong palakasin ang koleksyon ng buwis mula sa mga negosyo.

Sa kanyang Senate Bill 494, nais ni Sotto na amyendahan ang Situs of the Tax na nakapaloob sa RA 7160 o Local Government Code of 1991.

Ang situs ay tumutukoy sa lugar ng pagbabayaran ng buwis.

Alinsunod sa nakagawian, ang mga negosyanteng mayroong principal offices sa Metro Manila ay pinapayagang magbayad ng buwis sa Kalakhang Maynila kahit ang kanilang operasyon ay sa mga lalawigan.

“The Local Government Code of 1991 provided solution for such grievances. However, from the time of its effectivity on Jan. 1, 1992, most LGUs outside Metro Manila were left behind by those within the metropolis in terms of providing basic services, development and economic growth,” saad ni Sotto,

Alinsunod sa panukala, ang value-added tax (VAT) ng mga manufacturers, assemblers, contractors, producers at exporters ay dapat bayaran kung saan matatagpuan ang kanilang mga pabrika, project offices, planta at plantasyon.

Sa ganitong paraan, itataas sa 90 percent mula sa kasalukuyang 70 percent ng lahat ng sales na naitatala sa principal office ang babayaran sa city o municipality kung saan matatagpuan ang factory, project office, plant o plantation.

Ibababa naman sa 10% mula sa 30% ng sales o transaction ang babayarang buwis sa lugar kung saan matatagpuan ang principal office.

Malaking tulong anya ito sa mga lungsod at munisipalidad sa labas ng Metro Manila para sa kanilang financial at infrastructure needs at additional source ng pondo para sa pagsasaayos ng basic services.

143

Related posts

Leave a Comment