SANCHEZ ‘NAGATASAN’ DIN SA GCTA FOR SALE

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

MALAKI ang posibilidad na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Paniniwala ito ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon kasabay ng pagdududa sa maluwag na paglabas-pasok ng common-law wife ng dating alkalde na si Elvira Sanchez.

“I think so. Sa case ni Sanchez, nakita natin yung common-law wife niya, kayang-kayang pumunta doon sa Muntinlupa sa office ni (Nicanor) Faeldon kahit dis-oras ng gabi. Tapos the following day hindi siya nakapunta ng gabi pero nakakapasok siya. The next day, holiday, nakausap niya. So talagang meron silang ugnayan,” saad ni Gordon.

Sinabi ni Gordon na malaking tulong sa kumite ang pagharap ni Yolanda Camelon at isinalaysay ang GCTA for sale.

Sa pagdinig, tinukoy ni Camelon si Major Mabel Bansil na kumausap sa kanya noong Pebrero at hiningan ng P50,000 upang maiproseso ang maagang paglaya ng kanyang asawa.

Ipinakilala anya siya ni Bansil kay Staff Sergeant Ramoncito Roque na siyang chief of documents ng Bureau of Corrections.

“Ang hindi ko gusto, ngayon pati yung mga maliliit sa baba katulad nung testigo namin nung isang araw, nakita mo talaga na hihingian na ng pera ngayon at talagang tatakutin nila para magbigay sa kanila,” diin ni Gordon.

“Talagang raket na. Siyempre kung ikaw ay nakakulong doon sa loob ng Muntinlupa. Yun, vulnerable, pwede kang pahirapan, pwedeng sabihin sayo late ka, panay ang deduct sayo, e talagang under the gun ka. So mabuti nagsumbong na ang babaeng ito at sinumbong niya itong ginagawa ni Roque,” dagdag pa  ng senador.

98

Related posts

Leave a Comment