KONTRA SA 2020 BUDGET PINAGLALATAG NG ALTERNATIBO

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA)

KASABAY ng pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ng 2020 General Appropriations Bill, umaapela si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga tumututol pa rin dito na huwag puro kritisismo ang gawin at sa halip ay maglagtag ang mga ito ng alternatibo.

Ani Cayetano, maari naman na maghain ng kanilang bersyon ng institutional amendments at masigasig ang Kongreso na makikipag-ugnayan sa department secretaries para sa mga isyu sa bawat distrito partikular sa mga polisiya.

Kaisa umano ng mga tumutol sa pambansang pondo ang House leadership  sa pag-review, pagtalakay, pagbusisi at pag-amiyenda para tiyaking matutugunan nito ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Nitong Biyernes ng gabi ay lumusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill na nagkakahalagang P4.1T matapos ang ilang araw na deliberasyon o  eksaktong isang buwan mula nang isumite ng Malakanyang ang National Expenditure Program noong Agosto 20 sa Kamara.

Nabatid na ito rin ang ikatlong pagkakataon sa kasaysayan ng Kamara na napagtibay sa 2nd at 3rd reading ang budget bill sa loob lamang ng isang araw makaraang sertipikahan ng Pangulo bilang urgent measure.

Walang binago sa 2020 National Expenditure Program na isinumite ng DBM na ang malaking alokasyon ay sa DEPED, DPWH at DILG.

Ang P4.1 trilyong pondo para sa taong 2020 ay mas mataas ng 12 porsyento kumpara sa 2019 budget na nasa  P3.662 bilyon.

 

160

Related posts

Leave a Comment