(NI BETH JULIAN)
NANINIWALA ang Malacanang na magsisilbing babala sa mga pasaway na investors ang naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang mga kontratang una nang pinasok ng gobyerno.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, na nangangahulugan ito na hindi dapat lumagpas sa itinatakda ng batas ang anumang kasunduang ilalatag ng mga negosyante sa pagitan ng gobyerno.
Sinabing dapat na tingnan ito ng lahat at isipin na habang si Duterte ang nakaupo sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay hindi nito hahayaan ang sinuman na makapanloko o maisantabi ang kapakanan at interes ng mga Pilipino.
Nag-ugat ang pagpapasilip ng Pangulo sa mga kontrata matapos madiskubre na nakalagay sa kontrata sa pagitan ng gobyerno at Maynilad na hindi pinahihintulutang makialam sa ipinatutupad na sistema ng kumpanya ang pamahalaan.
Ito ang dahilan kung bakit natalo ang gobyerno sa isang arbitration ruling sa Singapore High Court.
132