Kontrolado ng EU – Palasyo ASEAN KULELAT SA COVID VACCINES

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang impluwensiya ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kahalintulad ng impluwensiya na mayroon ang European Union pagdating sa pag-secure ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa public address ng pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang ASEAN countries ay hindi naman makapangyarihan gaya ng EU.

“Eh wala tayong koneksiyon. Wala tayong pera. Itong problema ng covid, hindi talaga madali. Ang greatest disadvantage natin, hindi tayo mayaman,” ayon kay Pangulong Duterte.

“One day, maybe, one day… magkakaroon din tayo ng panahon to shine. Hindi na ako ‘yan… Our time will shine someday. ‘Yong ASEAN it is not that powerful to have a clout sa mga ganitong ginagawa ngayon. Walang supply,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, tinawagan ng pansin ng Chief Executive ang publiko na magtiwala sa pamahalaan pagdating sa pagbili ng bakuna at pamamahagi nito.

“Just keep your faith in government. Tutal, si (Secretary Carlito) Galvez, ‘yon naman ang trabaho niya,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“We cannot do anything. We cannot call upon the heavens to fall on its knees, to demand and be ours what is not to be simply ours. So just keep your faith in the government,” aniya pa rin.

Samantala, naglaan na ang Pilipinas ng P73.2 billion para sa pagbili ng bakuna, P40 billion ay mula sa multilateral agencies, P20 billion mula sa domestic sources, at P13.2 billion naman ay mula sa bilateral agreements. (CHRISTIAN DALE)

58

Related posts

Leave a Comment