ASG LEADER NAPATAY

ISANG notoryus na sub-leader ng terrorist Abu Sayyaf Group ang napaslang sa inilunsad na law enforcement operation nitong Martes ng madaling araw sa Zamboanga City, sa pagtatangka nitong makatakas na nauwi sa enkuwentro.

Kinilala ng Zamboanga City PNP ang napatay na si Arrasid Adjing Halissam, alyas “Guru Ara”.

Si Halissam ay itinuturong sangkot sa ilang kidnap for ransom operations ng ASG at mga pambobomba sa Zamboanga Peninsula.

Nabatid na tinangkang takasan ni Halissam ang mga pulis na magsisilbi ng search warrant sa pinaglulunggaan nito sa Margarita Drive, Barangay San Roque ng nasabing siyudad.

Armado ng caliber .45 pistol, pinaputukan ng suspek ang mga operatiba ng Zamboanga City at mga tauhan ng Philippine Army kaya nagkaroon ng palitan ng putok.

Si Halissam ay kilalang pinagkakatiwalaang tauhan ng napatay na Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon, at facilitator ng napaslang na Malaysian international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas “Marwan”.

Magugunitang si Marwan ay napatay sa kontrobersyal na Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 kasapi ng PNP Special Action Force noong Enero 2015. (JESSE KABEL)

72

Related posts

Leave a Comment