KORAPSYON NAGBIGAY P71,000 UTANG SA BAWAT PINOY

(Ni NORL ABUEL)

KAHIT ang mga bagong silang na sanggol ay may pagkakautang na  P71,000 dahil sa  korapsyong nangyayari sa gobyerno.

Ani Senador Panfilo Lacson, papasanin ito ng bawat isa sa mahigit P100 milyong Pilipino sa susunod na taon dahil sa korapsyon dulot ng multi-bilyong pork barrel na ikinarga sa mga distrito ng bawat kongresista, lalo na sa mga ‘bataan’ ni House Speaker Gloria Macapagal – Arroyo.

“All Filipinos, even those born just now, are already saddled with a debt of P71,000 each, because our borrowings have ballooned. Worse, we have to borrow more just to pay off our past debts. It would have been better if the borrowings resulted in development projects whose benefits we can actually feel. But if taxpayers’ money is lost due to corruption and inefficiency, that is sad,” sabi ni Lacson.

“2019: Year of the Earth Pig. Brace yourselves for more pork,” sabi ni Lacson. I do not know if it is a coincidence that next year is the Year of the Earth Pig,” dagdag pa ng senador.

Sinisisi nito ang ilang politiko na nagsingit ng pork barrel sa mungkahing P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon.

Idiniin niya na dahil sa korapsyon ay magpapatupad at magpapataw umano ng dagdag na buwis para mabayaran ang pagkakautang ng pamahalaan, patuloy ng mambabatas.

5

Related posts

Leave a Comment