(NI FRANCIS SORIANO)
ANUMANG araw ay nakatakda nang ipadeport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang foreigners na kinabibilangan ng Chinese at Korean matapos itong maaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) dahil sa pagkakasangkot sa krimen sa kanilang bansa.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na si Huang Kun, 36, Chinese national fugitive, at Lee Byungchul, 53, Korean national.
“BI will be deporting the two foreigners for undesirability and for being undocumented aliens as their passports were already cancelled by their respective governments.
They can no longer return to the Philippines because they have been placed in our immigration blacklist,” ani Morente.
Ayon kay Morente, pinangunahan ng intelligence officer at hepe ng FSU na si Bobby Raquepo ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek.
Lumabas din sa imbestigasyon na si Huang ay sangkot sa economic crimes na kung saan ay may nabiktima itong halos 200 katao na nagkakahalaga ng 100 million yuan o katumbas ng US$14.2 million sa kanyang pyramiding investment scam habang si Lee ay subject ng Interpol dahil sa maanomalyang US$75,000.
161