KRIMEN BUMABA SA PAGGANDA NG BUHAY NG PINOY

pinoy

(NI NICK ECHEVARRIA)

ITINUTURO ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt.Gen. Archie Gamboa ang pagbaba ng krimen sa pagganda ng kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino.

Ito’y matapos ilabas ng Social Weather Station (SWS) ang kanilang latest survey kung saan 36 porsyento ng mga respondents ang umamin na gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 26-30 kung saan  46 na porsyento rin ng mga “adults” ang umaasa na gaganda ang  kanilang pamumuhay sa  susunod na 12 buwan, habang 5 porsyento naman ang hindi naniniwala.

Ayon kay Gamboa, ang magandang resulta sa pagtaya ng mga mamayan sa kalidad ng kanilang buhay ay ‘consistent’ sa naitalang 4.89 percent nationwide na pagbaba ng crime volume sa ikatlong bahagi ng taon kumpara sa nakalipas na taon.

Paliwanag ni Gamboa, mas ligtas na ngayon ang pakiramdam ng mga mamamyan dahil sa patuloy na pagbaba ng krimen sa bansa.

Sa tala ng PNP, maliban sa mga kaso ng rape, bumaba ang lahat ng  index crime sa Pilipinas sa 3rd quarter ng taon, partikular sa carnapping na nakapagtala ng 45.86 percent na pagbaba kung ikukumpara sa nakalipas na taon.

 

171

Related posts

Leave a Comment