LAGLAGAN NA!

diokno

(BERNARD TAGUINOD)

INILALAGLAG na ng kanyang mga tauhan sa Department of Budget and Management (DBM) si Secretary Benjamin Diokno hinggil sa anomalya, hindi lamang sa 2019 national budget kundi simula pa sa pondo noong 2017.

Isiniwalat ito ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makakuha umano ng impormasyon sa loob ng DBM hinggil sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa Sorsogon.
Ayon kay Andaya, mismong taga-DBM ang nagkumpirma na November 2017 pa lamang ay nai-bid na ang mga proyekto sa Sorsogon para sa taong 2018 gayung tinatrabaho pa lamang ng Kongreso ang national budget.

“Hindi ko alam kung bakit nagmamadali si Secretary Diokno na mag-download ng pera sa Sorsogon. Wala pang aprubadong budget ang Kongreso, inumpisahan na ang bidding ng P10 billion projects para mai-award agad ito sa Sorsogon,” ani Andaya “Lumalabas na hindi lang sa 2018 budget nangyari yun. Pati pala noong 2017 budget, ganoon din. At itinutuloy nila ito hanggang ngayon sa proposed 2019 national budget,” dagdag pa ng kongresista.
Sinabi ng mambabatas na ito marahil ang dahilan kung bakit laging minamadali ang Kongreso na pagtibayin ang national budget simula noong 2017 o noong panahon ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

131

Related posts

Leave a Comment