LIBRENG STAMP TAX OK SA KAMARA

doctax44

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI na kailangang gumastos ang publiko para sa documentary stamp tax sa ilang dokumentong kailangan ng mga ito sa nalalapit na panahon matapos aprubahan ng House committee on ways and means ang nasabing panukala.

Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda sa mga tax reform measures nitong Martes, inaprubahan ng komite ang mosyon ni Baguio City Rep. Mark Go na ilibre na sa DST ang ilang dokumento.

Kabilang sa mga malilibre sa DST ang diploma para sa may 1.2 million graduates taon-taon; 6.5 million primary at high school graduate.

Kasama din sa hindi na sisingili ng DST ang transcript of records ang may 2 million Junior at Senior High School graduate taon-taon kasama naa ng sertipikasyon ng kanilang eskuwelahan.

Maliban dito, wala na ring babayaran DST sa kanilang Oath of Office ng may 650,000 barangay officials at iba pang elective official na kailangan nila bago sila magsimula s akanilang tungkulin.

Aabot din sa 4.1 million professional ang makikinabang  sa paglilibre na rin sa DST para sa kanilang Good Moral Standing Certificate na kanilang kinukuha sa Professional Regulation  Commission (PCR) kada tatlong taon.

Maging ang mga affidavits tulad ng  affidavit of loss and other Certificates/Notarized Documents at proxies ay hindi na rin sisingilin ng DST kasama ang Certificate of Certificate of No Marriage Record (CENOMAR)

Wala na ring babayarang DST sa mga baptismal certificate at marriage license na pakikinabangan ng may 9,650,000 katao na nangangailangan ng nasabing dokumento tuwing mayroong transaksyon, hindi lang sa estado kundi sa pribadong sektor.

“This translates to about P450 million foregone (na tax),” ani Salceda subalit maliit na halaga lamang ito pero malaking tulong sa mamamayan.

452

Related posts

Leave a Comment