LIBU-LIBONG ARMAS, MAGAZINE, WINASAK NG AFP

(NI JESSE KABEL)

WINASAK ng Armed Forces ang may 1,561 mga baril at 55,730 magazine assemblies para sa iba’t ibang uri ng baril sa layuning masupil ang paglaganap ng illegal at loose firearms sa bansa.

Ayon kay AFP Public Information Office chief Navy Captain Jonathan Zata, ang mga sinirang baril ay naipon mula sa mga nahuli, nakumpiska sa military operations, isinuko ng mga rebeldeng NPA at lawless elements sa buong Luzon simula taong 2016.

“This program will significantly reduce the number of unserviceable CCSR (captured, confiscated, surrendered, and recovered) firearms and eventually dispose all unofficial and dilapidated weapons in the inventory of the AFP,” pahayag naman ni  AFP Vice Chief of Staff Vice Admiral Gaudencio Collado Jr sa kanyang inilabas na stataement na binasa ni Major General Erickson Gloria, Deputy Chief of Staff.

Ang  ceremonial demilitarization ng mga sandata ay bahagi ng 12th Founding Anniversary ng AFP Munitions Control Center (MCC), isang  unit na pangunahing naatasang magsagawa ng accounting and destruction ng  CCSR firearms and magazines, na napatunayang non-standard, obsolete, at beyond economical repair.

Tumutulong din ito sa mga AFP units na suriin at imantina ang kanilang mga sandata at tiyakin na maaring pang magamit at makumpuni ang mga sandatang inisyu sa kanila.

Nabatid na ang winasak na  CCSR firearms at mga accessories ay dumaan sa masusing proseso ng identification and verification.  Ang mga sandatang ginagamit bilang ebidensiya sa korte at hindi rin saklaw ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay hindi muna wawsakin at ibibigay sa proper authorities.

203

Related posts

Leave a Comment