LINDOL SA LUZON, VISAYAS ‘DI MAGKA-UGNAY

phivolcs

(NI DAHLIA ANIN)

KAHIT halos magkasunod ang lindol na nangyari noong Lunes sa Luzon at Martes sa Visyas ay wala itong kaugnayan, ayon sa Philippine Volcanology and Seidmology (Phivolcs) kasabay ng pagpapaalala ng kahandaan ng publiko dahil sa mga naitalagang aftershocks.

Ayon sa Phivolcs, local fault ang gumalaw kaya’t nagkaroon ng lindol sa Zambales. Malaki ang naging pinsala nito sa ibabaw ng lupa dahil mababaw lamang ang gumalaw na fault.

Marahil ay nakaapekto umano ang mabuhanging lupa sa Porac, Guagua at Lubao, Pampanga kaya mabilis itong bumigay at gumalaw.

Idinagdag pa ng Phivolcs na Philippine trench ang gumalaw na naging sanhi ng paglindol sa Samar, ayon kay Dr. Rhomel Grutas, Science Research Specialist ng Phivolcs.

Ibig sabihin nito na ang Philippine sea plate ay binabangga ang ating Philippine archipelago kaya’t  wala itong kaugnayan  sa naunang lindol sa Luzon.

May lalim na 68 kilometers ang pinagmulan ng lindol kaya naman mas malawak ang sakop nito ngunit mahina ang epekto.

Lagpas 500 na ang naitalang aftershocks sa Zambales at mahigit 20 naman sa Visayas.

Sa ngayon ay wala pang tsunami alert, ngunit patuloy ang ginagawang monitoring ng Phivolcs lalu na sa dalawang bulkan na malapit sa pinangyarihan ng lindol, ang Pinatubo at ang Mayon.

363

Related posts

Leave a Comment