LIQUID MARIJUANA NASABAT SA NAIA

mari

(NI SAMANTHA MENDOZA)

NASABAT ng Bureau of Customs NAIA, ang 51 piraso ng tetrahydrocannabinol o liquid marijuana cartridges na idineklarang ‘pen ink cartridges’ at candies sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ang package umano na naglalaman ng liquid marijuana ay nanggaling sa Santee, San Diego, California.

Naghintay umano ang BOC NAIA ng tatlong araw bago ito kinuha ng consignee na isang menor de edad.  Ang menor de edad ay itinurn over na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pasay Youth Home sa ilalim ng Pasay City Government at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasabay nito binalaan ng BoC ang publiko laban sa pagpapadala ng marijuana dahil ito ay naka klasipika bilang dangerous drugs sa ilalim ng   R.A. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 .

Ang importasyon ng iligal na droga ay ipinagbabawal sa ilalim ng R.A. 10863 kilala bilang Customs Modernization And Tariff Act (CMTA).

Nalaman na may kabuuang 28 drug bust mula noong Marso 2018 ang nadiskubre sa Port of NAIA. (Samantha Mendoza)

5

Related posts

Leave a Comment