LOW INFLATION RATE; KRITIKO DEADMA

panelo 200

(NI BETH JULIAN)

SINITA ng Malacanang ang mga kritiko ng administrasyong Duterte sa pananahimik kaugnay sa naitalang record-low na inflation rate.

“Nasaan sila ngayon at tahimik na, wala man lang papuri sa mga economic managers at kay Pangulong Rodrigo Duterte gayong nakapagtala ng record-low na inflation rate,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Gayunpaman,  itinuturing ng Malacanang na “thing of the past” o kasaysayan na ang mataas na inflation rate sa bansa matapos maitala ang 2.7% inflation nitong Hunyo na pinakamababang naitala ng local statistics simula 2017.

Ayon kay Panelo, gaya ng pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang downward trend ng inflation ay resulta ng pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa Rice Tariffication Act, pagbaba ng presyo ng langis at mga pangunahing produkto.

Dito ay nagpaabot ng papuri ang Palasyo sa mga economic managers ng bansa sa magandang development na ito, gayundin ang mga mambabatas sa nagdaang Kongreso sa pagsuporta sa Republic Act No. 11203.

 

94

Related posts

Leave a Comment