(NI BERNARD TAGUINOD)
KUMPIYANSA si House Majority leader Rolando Andaya na malakas ang plunder case na posibleng isampa sa mga opisyales ng Aremar Construction na pag-aari ng mga in-laws ni Department of Budget and Management (DBM) matapos ‘ilaglag” ang mga ito ng mga lehitimong kontraktor.
Sa press conference kahapon, sinabi ni Andaya na hawak na niya ang ebidensya na magdidiin sa Aremar Construction kung saan ang isa sa mga incorporator ay ang manugang ni Diokno na si Romeo “Jojo” Sicat Jr..sa posibleng pagsasampa ng plunder case dahil P70 milyon umano ang sangkot na halaga.
“Some AAA Contractor shared with me bank deposits nila na ibinigay nila, eto hindi diumano ha, ibinigay talaga nila as way of commission sa Aremar Construction. I have the copies, at least six bank deposits total amount is around P70 million,” ani Andaya.
Base sa batas, P50 milyon lamang ang sangkot na halaga para masampahan ng kasong plunder ang mga taong inaakusahang nagnakaw sa kaban ng bayan at lagpas na sa halagang ito ang tinanggap umano na komisyon ng Aremar.
“Very clear sa deposit slips…kung nagdedeposit po tayo nilalagay po natin ang source of funds, so nakalagay dun collections from Public Works…and the amount is there and then the account number and account name. Only one account name and account number which si Aremar Construction,” ani Andaya.
Sinabi ng kongresista na maraming plunder case sa nakaraan ang hindi nagtagumpay dahil walang ebidensya na personal na tinanggap ng inaakusahang plunderer subalit sa kaso ng Aremar aniya ay mayroong matibay na elemento ng nasabing kaso na walang piyansa.
“But in this case, you have six bank deposits ito only one account, and all this happened in a span of five months lang last year. Kung hindi talaga sa iyo yun, bakit mo tinanggap?,” tanong pa ni Andaya.
Maliban dito, ang kontrata na pinanggalingan umano ng pondo na idineposito sa Aremar Construction ay hindi pinanalunan ng nasabing kumpanya ng mga in-laws ni Diokno kaya may duda ang mambabatas na “alay” ito ng mga kontraktor dahil ang mga proyekto ay ginawa sa Casiguran, Sorsogon.
“Ibig sabihin nagbigay ng alay sa iyo, nagbigay ng komisyon sa iyo dahil teritoryo mo (ang proyektong ginawa). Yung mayor sa Casiguran, balae mo, yung vice gobernador balae mo rin,” ayon pa kay Andaya.
124