LUBID SA PARUSANG BITAY SANA ‘JOKE LANG’

LUBID-DEATH PENALTY

(Ni ABBY MENDOZA)

PINAALALALHANAN ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na labag sa batas ang ipinapanukala nito na gumamit ng lubid sa pagpapatupad ng parusang bitay.

Kapwa sinabi ng mga mambabatas mula sa Minority Bloc na umaasa silang biro lamang o isang joke na gagamit ng lubid sa parusang bitay.

“Our Spokesperson is a Lawyer and I know that he is familiar of the provision in the Constitution in the prohibition cruel and degrading punishment, specifically Article III, Section 19 paragraph (1) thereof, states excessive fines shall not be imposed nor cruel, degrading or inhuman punishment inflicted,” giit ni Garbin.

Dagdag pa nito na sa Republic Act 9745 ay itinatakda na dapat parusahan ang mga hindi makataong parusa gaya ng torture.

“Ang paggamit ng lubid para sa death penalty can be tantamount to torture,” pahayag pa nito.

Ayon naman kay Iloilo Rep Janette Garin, maski sa hayop ay bawal ang paggamit ng lubid kaya imposible na ito ang syang gamitin kung maipasa ang parusang bitay sa bansa.

“I hope Sec. Panelo was just joking. That method has been in obsolescence even among animals. Better to discuss the parameters of the proposed law. Hindi makakatulong sa pagpasa ng batas yung statement ni Sec. Panelo,” pahayag ni Garin.

Giit pa nito na walang lugar ang lubid sa death penalty.

“Let us not go back to stone-age. Walang lugar ang ‘Lubid’ sa death penalty”dagdag pa nito.

Una nang lumusot sa sa 17th Congress ang pagbalik ng death penalty subalit hindi ito lumusot sa Senado.

553

Related posts

Leave a Comment