MAGKAISA, PANAWAGAN NG PALASYO 

panelo 200

(NI ARDEE DELLOMAS)

UMAPELA ang Malacañang ng pagkakaisa ngayong panahon ng Kapaskuhan sa kabila ng pagkakawatak-watak dahil sa umano’y “poisonous politics.”

Sa pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, inulit nito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na maging mabuti at mapagpatawad sa kapwa.

Dapat din umanong isantabi ng mga Pilipino ang mga ilang mga nakagawian na nakasisisra lamang sa dignidad ng bansa at kumilos bilang iisa tungo sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagpasok ng Bagong Taon.

“The Philippines has long been divided by poisonous nay murderous politics that festered decades of indifference, neglect and corruption. As the New Year ushers in, it is high time that we set aside practices that destroy the dignity of the country and collectively act as one people and one nation towards peace and progress,” saad ni Panelo.

Hinimok din ni Panelo ang lahat na isipin ang kapakanan ng mga kababayan at simulan ang panibagong panahon na puno ng pag-asa at kapayapaan.

“Together, let us think and care for our fellowmen and usher in a new era of hope, peace and development. Let us remember that we are all parts of one whole, the injury to one limb affects the entire body. Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan”, sabi ng opisyal.

Sa huli, hiniling ng kalihim ang masayang paggunita sa araw ng Pasko at ang mapayapang pagsalubong sa 2019.

7

Related posts

Leave a Comment