(Ni NOEL ABUEL)
Pinagtibay ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang maghihigpit sa patakaran na magbibigay ng seguridad sa mga bata.
Sa pagdinig ng Bicameral conference committee, nagkasundo ang mga senador at mga kongresista na paigtingin ang kampanya sa seguridad ng mga bata sa aksidente sa lansangan.
Nagkasundo sina Senate Chommittee on Public Services, chaired Senador Grace Poe, at House Committee on Transportation, ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, na dagdagan ang probisyon ng Senado sa panukalang agreed to adopt major provisions in the Senate version Senate Bill 1972 na iniakda ni Senador Joseph Victor Ejercito.
Sa ilalim ng Senate Bill 1972, o “An Act Providing for the Special Protection of Child Passengers in Motor Vehicles and Providing Appropriations, napapanahon na umanong iimplementa ang mahigpit na batas para sa proteksyon ng mga tao partikular ang mga kabataan.
Nakasaad pa rito na ang mga driver ng mga pribadong sasakyan ay inaatasang siguruhin ang kaligtasan ng mga kabataang may edad 12-anyos pababa habang nasa lansangan gamit ang child restraint system.
Ipagbabawal na rin ang mga bata na sumakay sa harap ng sasakyan.
“The child restraint system shall be appropriate to the child’s age, height and weight and approved in accordance with safety standards for child restraint system,” sabi pa ni Ejercito.
178