MAKIKINABANG LAHAT SA TRAIN LAW – DU30

DUTERTE-31

(NI BETH JULIAN)

DAHIL sa walang humpay na pagbatikos na tinatanggap, pinalagan muli ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga kritiko kaugnay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa pagdalo ng Pangulo sa TBD- (PDP-LABAN) Abra campaign rally sa Divine Word College Gymnasium Zone 6, Bangued, Abra, pinayuhan muli nito ang mga kritiko na manahimik muna at hintayin na lamang ang resulta ng ipinatutupad na TRAIN Law. Tiniyak din ng Pangulo na sa kalaunan ay makikinabang ang lahat dahil dito.

Sa talumpati ng Pangulo, iginiit nito na mahalaga ang makokolektang buwis mula sa TRAIN Law dahil ilalaan ito sa mga infrastructure project ng gobyerno.

Idinagdag pa ng Pangulo na kukunin din sa TRAIN Law ang dagdag sahod sa mga guro.

“Ang TRAIN ay itong build, build, build. Pano matuloy yan kung kinakalaban nila? Paano ko masu-swelduhan yung mga maestra?.. I need to keep this government running,” wika ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na malaki rin ang maitutulong ng matatapos na infrastructure projects ng pamahalaan para maresolbahan ang problema sa traffic congestion sa EDSA kahit walang emergency powers dahil sa TRAIN Law.

170

Related posts

Leave a Comment