MALAKING BILANG NG PINOY HIKAHOS PA RIN

hikahos

(NI SAMANTHA MENDOZA)

INAMIN ng Malacanang na malaki pa rin ang  bilang ng mga naghihirap na Filipino sa kabila ng pagbaba ng inflation, ayon kay spokesperson Salvador Panelo kasunod nang ipinalabas na survey ng  Social Weather Stations (SWS) survey na may  50 porsiyento ng mga Filipino ,ang naniniwala na sila ay mahirap sa kabila na bumaba naman ng dalawang porsiyento puntos ang inflation noong nakalipas na Setyembre, 2018.

“Even as we acknowledge such positive development, we note however that the poverty among Filipinos is still high,”ayon kay Panelo.

“In addressing it, we must, as articulated by Sec. (Ernesto) Pernia of (the National Economic and Development Authority), sustain high economic growth that creates many jobs and reduce prices and inflation,” dagdag pa ni Panelo.

Gayunman , naniniwala si Panelo na mas tinatamasa ngayon ng mga Filipino ang komportableng buhay kumpara noon.

Tiniyak ni Panelo na patuloy naman umanong tinutugunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang epekto ng inflation sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Patuloy rin ang Ipagpupursigi ng   economic team  ng administrasyon sa paggawa ng mga polisiya at programa na makakatulong para maibaba ang antas ng kahirapan sa bansa.

15

Related posts

Leave a Comment