MALAWAKANG OPENSIBA VS REBELDE INIUTOS NI DU30

DUTERTE13

(NI BETH JULIAN)

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malawakang opensiba kontra rebelde matapos isuko na ang peace talks sa CPP NPA NDF dahil sa umano’y kawalan ng sinseridad sa usapin.

“Kahit magkaubusan pa sila ng mga miyembro, kailangan maglunsad ng opensiba ang ating mga sundalo at pulis,” pahayag ng Pangulo.

Kasunod ng pagbuwag sa peace panels, naniniwala ang Pangulo na higit na magkakaroon hidwaan sa pagita ng gobyerno at rebeldeng grupo.

“Wala naman mararating ang negosasyon dahil walang sinseridad ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF),” sabi ng Pangulo.

Sa harap ng libu-libong political supporters ng PDP-Laban sa isinagawang rally sa isang university gym sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City.

Diretsahang sinabi ng Pangulo na tuluyan na nitong pinutol ang negosasyon sa pamamagitan nang pag-dissolve ng government peace panel.

 

182

Related posts

Leave a Comment