MAMASAPANO MASSACRE: KASO VS NOYNOY BINAWI

noynoy22

(NI JEDI PIA REYES)

BINAWI  ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga kasong isinampa nito laban kay dating pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident.

Sa dalawang pahinang Motion to Withdraw Information, hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na ikonsidera ang pagbawi nito ng impormasyon patungkol sa kaso sa dating punong ehekutibo.

“Wherefore, premises considered, it is most respectfully prayed of this Honorable Court that the People of the Philippines be allowed to withdraw the Information against accused Benigno Simeon C. Aquino III and thereafter the same be considered dismissed,” ayon sa mosyon.

Ikinatwiran ng Ombudsman na batay sa kanilang pag-aaral ay natukoy na walang sapat na batayan ang pagsasampa ng kasong graft at Usurpation of Official Functions sa ilalim ng Revised Penal Code.

Gayunman, nilinaw ng Ombudsman na ang pagbawi ay hindi umano dapat maging pagbabawal sa pagsasampa ng iba pang kaso.

Nauna nang kinasuhan si Aquino kaugnay ng pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police sa Mamasapano, Maguindanao.

 

149

Related posts

Leave a Comment