MANDATORY EVACUATION CENTER SA BAWAT LUNGSOD, IGINIIT 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

ISINUSULONG ni Senador Bong Go ang paglalagay ng evacuation center sa lahat ng lungsod, lalawigan at munisipalidad sa buong bansa.

Sa kanyang Senate Bill 1228, iginiit din ni Go ang paglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng mga evacuation center.

Ipinaliwanag ni Go sa kanyang panukala na alinsunod sa Konstitusyon, mandato ng gobyerno na protektahan ang buhay, ari-arian at kapakanan ng sambayanan kasabay ng pagpapanatili ng peace and order.

Binigyang-diin ng senador na madalas na tinatamaan ng kalamidad ang bansa dahil sa lokasyon nito sa “Pacific Ring of Fire”.

Sa panahon anya ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol, kadalasang nabibiktima ang mga mahihirap na nawawalan ng mga tahanan.

Dahil dito, napapanahon na anyang tiyakin na may mapupuntahan ang publiko na evacuation centers sa panahon ng kalamidad.

Alinsunod sa panukala, ang bawat evacuation center ay dapat na mayroong Sleeping quarters sa evacuees; magkahiwalay na shower at toilet facilities sa babae at lalaki; mayroong emergency/exit doors; ang Food preparation areas ay dapat na may sapat na hangin; mayroong Trash and waste segregation at collection areas; dapat ding mayroong isolation and/or quarantine area para sa infectious persons;gayundin ang rainwater harvesting and collection facilities.

 

182

Related posts

Leave a Comment