MANILA WATER CUSTOMERS PINAG-IIPON NG TUBIG

tubig1

(NI KIKO CUETO)

NANAWAGAN ang Manila Water sa mga customer nila na maapektuhan ng paghina ng tubig simula alas-6:00 ng umaga ng Miyerkoles.

Ayon sa Manila Water ito ay bahagi ng kanilang ipatutupad na water supply contingency plan para sa posibleng epekto ng El Niño phenomenon na inaasahan ng PAGASA na makakaapekto sa iba ibang lugar sa bansa mula ngayong buwan hanggang Hunyo.

“In light of PAGASA’s recent El Niño advisory and its threat to Metro Manila’s domestic water supply, Manila Water will be implementing operational adjustments that may affect water service across the entire East Zone,” sinabi ng water concessionaire sa kanilang advisory.

“This is to help arrest the rapid decline of the water level at La Mesa Dam, due to limited inflows from rainfall,” dagdag nito.

Ang mga barangay sa Taguig City na makakaranas ng “low pressure” hanggang sa “no water” supply sa peak demand hours simula alas-6:00 ngayong Miyerkoles arso 6, ay sa Bagong Tanyag; Bambang; Central Bicutan; Central Signal Village; Hagonoy; Ibayo-Tipas; Katuparan; Lower Bicutan; New Lower

Bicutan; North Signal Village; Santa Ana; South Signal Village; Tuktukan; Upper Bicutan; Ususan; Wawa; at Western Bicutan.

Apektado rin ang ilang bahagi ng Marikina, Pasig, Quezon City, Antipolo, San Mateo, Rodriguez, Taytay, at Jalajala sa Rizal.

Sa Marikina City kabilang ang Fortune; Nangka; at Tumana.

Habang sa Pasig City naman apektado ang Caniogan; Kalawaan; Palatiw; Pinagbuhatan; Sagad; San Joaquin; at San Miguel.

Sa Quezon City apektado ang Pasong Tamo; at Sacred Heart.

Ang Antipolo, Rizal naman ay sa Dalig; Mayamot; San Jose; San Luis; at San Roque.

Sa Rodriguez, Rizal apektado ang Bgy. San Jose.

Habang sa San Mateo, Rizal, apektado ang Ampid I; Ampid II; Banaba; Dulong Bayan 1; Dulong Bayan 2; Guitnang Bayan I; Guitnang Bayan II; Malanday; Maly; Santa Ana.

Sa Taytay, Rizal apektado ang Santa Ana.

Ang sa Jalajala, Rizal naman ay sa Bgy. Punta; at sa Sipsipin.

Pinayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak na ng tubig

 

 

132

Related posts

Leave a Comment