MANILA WATER SA SPECIAL REBATE; PAASA LANG SA 6-M CONSUMER

manila water12

(Ni FRANCIS SORIANO)

DAHIL hindi pa rin nakakamit ng may anim na milyong consumer ang diskwento ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Manila Water ay muling naghain ng petisyon ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) hinggil sa kawalan umano ng aksyon ng mga ito.

Ayon kay Bayan Muna Secretary General Renato Reyes, nasa 21-pahinang petisyon na paraan ng parusa ang itatapat sa mga ito dahil nabigo ang Manila Water sa mandato na bigyan ng serbisyo ang kanilang mga consumer nang walang aberya.

“It should be noted that the Manila Water, facing intense public backlash, has conceded to provide some relief in the water bills of affected customers during the periods of service interruption,” ani Reyes.

Kasama rin sa inihain nilang petisyon na ikokonsidera ng MWSS ay ang suspensyon o pagkansela sa pag-apruba sa rate hike ng kompanya.

Samantala, nauna nang sinabi ng regulatory body na kukumbinsihin nila ang kompanya na huwag munang singilin ang nasa higit anim na milyon nitong customer hangga’t hindi bumabalik sa normal ang supply ng tubig.

147

Related posts

Leave a Comment