MAS MABIGAT NA PARUSA SA GRAB, IGINIIT 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Competition Commission (PCC) na patawan ng mas mabigat na parusa ang ride-hailing giant na Grab Philippines (Grab PH) dahil sa paulit-ulit na paglabag sa competition rules simula noong 2018.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan makaraang mabatid na apat na beses nang pinagmulta ng PCC ang Transport Network Company (TNC) dahil sa isyu ng mataas na singil at service quality  sa loob lamang ng mahigit isang taon na para sa senador ay hindi katanggap-tanggap.

Sa rekord, simula nang itake-over ng Grab ang Southeast Asia operations ng Uber, paulit-ulit itong lumabag sa mga probisyon ng Interim Measures Order (IMO).

Kabilang dito ang multang P6.5 million noong January 2018 dahil sa “deficient, inconsistent, and incorrect data” sa monitoring ng kanilang pagtalima sa mga kasunduan.

Noong November 14, inatasan din ang Grab na isauli sa mga customer ang ₱5.05 million na pasahe dahil sa “overcharging”  mula February hanggang May 2019.

Noon namang December 19, pinatawan ng multang P14.15 million ang Grab dahil sa hindi pagsunod sa pricing commitment, at P2 million sa sobra-srobang driver cancellations.

“Ilang beses nang nakitaan ng violation at sinita ng PCC ang pang-aabuso ng Grab sa ating mga commuter kaya naman sila ay madalas na pinagmumulta. Ang nakapagtataka, apat na beses na silang pinagmulta ng paulit-ulit sa loob ng isang taon”, saad ni Gatchalian.

“Parang lumalabas tuloy na dahil hawak nila ang 93% ng share sa industry ay pwede na nilang kontrolin ang merkado at ayos lang kahit na magmulta sila at lumabag sa itinakdang standards ng PCC,” dagdag nito.

“More than three times or four times na itong nangyayari kaya dapat maimbestigahan ito sa Senado dahil maliwanag na pang-aabuso ito. Iyong mga pangyayari noong 2018 and 2019 paulit-ulit na lang, kaya dapat tignan na rin ng PCC ang buong sitwasyon at patawan sila ng mas matinding karampatang aksyon,” giit pa ng mambabatas.

 

281

Related posts

Leave a Comment