MASS VACCINATION TIYAKING BROWNOUT-FREE

KAILANGANG tiyakin ng Department of Energy (DOE) na hindi magkakaroon ng brownout sa sandaling simulan na ang mass vaccination laban sa COVID-19 hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Sa kanyang House Resolution (HR) 1572, nais makasiguro ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na walang magaganap na brownout sa mass vaccination rollout lalo na’t ilan sa mga bibilhing bakuna ay nangangailangan ng malamig na temperature.

“Given the importance of successfully implementing the vaccination program, the government must ensure that the vaccination program will not be disrupted by power interruptions or any other incidents that could result in power loss,” ani Vargas.

Dahil dito, inatasan ng mambabatas ang House committee on energy na magpatawag ng pagdinig upang masiguro na hindi magkakaroon ng aberya sa kuryente kapag nagsimula na ang mass vaccination.

Mas kailangang makasiguro aniya dahil kamakailan lamang sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagbago na ang peak demand na isang indikasyon na mas malaki ang pangangailangan ng kuryente lalo na sa panahon ng tag-init.

“They (NGCP) said that previously, only Luzon would register peak demand during the summer months. Visayas and Mindanao, however, have been seeing peak power demands shift from the usual end-of-year to summer,” ani Vargas.

Hindi aniya dapat mawalan ng kuryente dahil kung hindi ay mapupurnada ang mass vaccination at masisira ang mga bakuna.

“Hindi lang Plan A at Plan B. We need to install as many back-up plans as possible, ensuring that all bases are covered,” dagdag pa nito kaya kailangang ipatawag ang DOE para masiguro na hindi magkakaroon ng aberya lalo na sa malalayong probinsya na madalas ang brownout. (BERNARD TAGUINOD)

65

Related posts

Leave a Comment