MATAPOS ANG TERMINO; GLORIA MAGIGING CONSULTANT NG PAMPANGA

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI pa tuluyang magpapahinga sa politika si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo pagkatapos ng kanyang termino bilang congresswoman sa Hunyo 30, 2019 dahil magiging consultant ito ng Pampanga.

Nitong Biyernes ay ipinagdiwang ni Arroyo ang kanyang ika-72 taong kaarawan sa kanyang hometown sa Lubao Pampanga na dinaluhan ng ilang ambassador ng iba’t ibang bansa.

“Sinabi ni (Pampanga) Governor (Lilia) Pineda na sabihin ko sa inyo na upang patuloy ko pa na matulungan ang Pampanga, ako ay magiging consultant ng probinsya,” ani Arroyo.

Layon umano nito na patuloy na tulungan ang kanyang lalawigan habang gugugulin umano nito ang iba niyang oras sa pagsusulat ng  kanyang memoirs sa 27 taon nito sa politika.

Inamin ni Arroyo na hindi kasing dramatic ang kanyang legacy sa ibang world leaders subalit nais umano niyang maalala siya bilang Pangulo na naglagay sa Pilipinas sa “fiscal stability” noong panahon ng global crisis na nagpababa aniya sa poverty rate sa bansa.

“I like to think that my legacy will center on restoring our country’s fiscal stability after the storms on financial crisis here and abroad. The restoration of fiscal stability was the platform for my program that built more and better infrastructures, and that reduced our poverty from 39 percent when I assumed the presidency, to 26 percent when I left the presidency,” ani Arroyo.

Bukod sa kanyang pamilya at mga suporters ay kasama ni Arroyo sa pagselebra ng kanyang kaarawan sina State of Qatar Ambassador H.E Ali Ibrahim Al-Malki; Ambassador Robert Pruce ng United Kingdom at Ambassador Songkane Luangmuninthone ng  Laos.

Samantala, ayaw patulan ni Arroyo ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sususpendehin nito ang writ of habeas corpus at magdedeklara ng revolutionary war at aarestuhin ang kanyang mga kritiko.

“Well having been president, it is better not to be part of the peanut gallery. Mas nakatutulong sa Presidente na hindi ako kasali sa peanut gallery,” ani Arroyo.

74

Related posts

Leave a Comment