LUPA NA IPINAMANA NAGLAHONG PARANG BULA!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, nais ko pong idulog sa inyo ang problema ng aming pamilya sa lupa mula sa aking mga ninuno.

Nang mabili po ng lola ko ang property ay hindi nagawang mailipat sa pangalan niya. Sa halip ay ipinagkatiwala namin sa aming abogado ngunit wala pong nagawa. Ngayon ay ayaw na pong ibalik sa amin ang titulo sa pinagtiwalaan namin.

Ang mga katanungan ko po ay kung mayroon po bang prescribed period ang pagpaparehistro ng lupa mula nang ito ay nabili at pagsasampa ng kaso?

Ang masakit po nito, nang magtungo kami sa municipal assessor sa bayan ng Ragay, sinabi na kanselado na raw ang tax declaration.

Kapag naman kumukuha kami ng katibayan ng pag-aari ng lola ko, ang ibinibigay ay ang 1967 na nasa pangalang Claudia Ibasco ngunit kinansela na umano ito.

Ang ipinagtataka namin bakit kinansela ang naturang lupa wala naman pong natatanggap na abiso ang lola ko na kinansela na ang lupang nabili niya.

Misyon Aksyon, alam namin na marami pong kalokohan sa lupa. Ngunit napakasaklap po kung mauuwi lamang sa wala ang ipinundar ng aking lola dahil ang inaasahan naming lupa ay bigla na lamang maglalaho.

Ang mas masakit po ngayon ay ‘yung pinagtiwalaan namin ay pinagtataguan na kami na dati-rati ay madalas nakikipag-ugnayan sa amin.

Halos apat na dekada na ang nakaraan. Kung kaya’t mi­nabuti na lamang namin na pagtulungang ayusin upang mapakinabangan ng anak at mga apo.

Ano po ba ang dapat naming gawin sa abogado namin na ngayon ay na-stroke ngunit ayaw ibigay ang original na mga dokumento namin.

Umaasa po ako na mabibigyan niyo kami ng payo.

Gumagalang, Vic Munoz Muit.

Kay Ginang Vic, hayaan mo at isasangguni natin ito sa a­ting legal adviser na si Atty. Peter Joey Usita kung ano ang dapat ninyong gawin sa lupa ninyong hinahabol.

Nawala ang mga dokumento sa municipal ng Ragay at maging sa LRA Quezon City. Makikipag-ugnayan po kami sa mga ahensiya na sangkot sa pagkawala ng inyong records.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwa­nagan. NOTE: Problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG homeowners at iba pa. Cellphone no.  Smart 09420874863/09755770656 Email Address: Misyonaksyon@yahoo.com/arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

271

Related posts

Leave a Comment