PA MAGPAPASAKLOLO SA ANTI-CYBER CRIME NG PNP

cyber crime 123

(NI NICK ECHEVARRIA)

BALAK ng  Philippine Army na lumapit sa  Philippine National Police (PNP) para hingin ang tulong ng Anti-Cybercrime Group nito upang matukoy at makasuhan ang mga nasa likod ng Pinoy Lulszec hacker.

Ang Lulszec  ang grupong umaangkin sa pangha-hack sa data base ng Philippine Army at pinalalabas na nanakaw nila ang mga mahahalagang impormasyon pang-militar ng nabanggit na hukbo.

Ayon naman kay Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala, mga unclassified documents lamang ang nakuha ng Lulszec mula sa mga dump files habang inililipat ito sa isang third party internet provider tungo sa data base ng Philippine Army na nangyari noon pang nakalipas na taon.

Binigyang-linaw din ni Zagala na hindi naman na hack ang data base nila, ngayon lamang inilabas  umano ng nasabing grupo ang pangyayari para magmukhang napasok nila ang Army data base kaugnay sa paggunita nila ng April Fool’s Day.

Idinagdag pa  ni Zagala na pawang mga pangalan lamang ng mga nagsipagtapos sa  Scout Rangers course ang nakuha ng  mga hackers at ito aniya ay  itinuturing na isang pampublikong dokumento.

Nangako rin ang tagapagsalita ng Philippine Army na hindi nila palalampasin at titiyakin nilang mapapanagot ang grupong Pinoy Lulszec dahil sa pagnanakaw at pagpalabas ng mga ninakaw na impormasyon.

89

Related posts

Leave a Comment