(NI KEVIN COLLANTES)
NAGPAABISONG muli ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa ipatutupad nilang power interruptions ngayong linggong sa mga lugar kung saan nakatakda silang magsagawa ng maintenance works.
Batay sa paabiso ng Meralco, kabilang sa mga apektado o makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente simula Abril 28 hanggang Mayo 4, ay ilang lugar sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal province.
Nabatid na sa Metro Manila, apektado ang Sampaloc sa Maynila; Sto. Nino sa Paranaque City; Old Balara at Mariblo, sa Quezon City; Western Bicutan sa Taguig City; Valenzuela City at Pasay City.
Samantala, apektado rin ang Sto. Tomas sa Batangas; Calamba, Los Baños, Liliw, Nagcarlan, Rizal, Magdalena at Majayjay sa Laguna; Plaridel at San Jose del Monte City sa Bulacan; Carmona, General Mariano Alvarez, Cavite; at Antipolo City sa Rizal.
Ayon sa Meralco, kabilang sa mga maintenance works na gagawin ay line conversion works, line reconductoring works, instalasyon ng karagdagang lightning protection devices, line repair works, pagpalit ng mga sirang poste, line maintenance works, reconductoring ng mga pangunahing linya, paglilipat ng mga pasilidad na apektado ng road widening projects at iba pa.
Humingi naman ng paumanhin ang Meralco sa mga consumers nilang maaapektuhan ng maintenance works at power interruptions.
135