(NI BERNARD TAGUINOD)
KAILANGANG mamuhunan na ang Pilipinas ng mga warships kung nais natin na maprotektahan laban sa mga banta ang teritoryo at soberenya sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tinuran ng miyembro ng House committee on national defense and security Rep. Johnny Pimentel sa gitna ng umiinit na usapin sa WPS na inaangkin at nakokontrol ng China.
“The Philippine Navy has to establish a credible presence there – in terms of combat ships – if we are to discourage foreign seaborne threats, including poachers,” ani Pimentel.
Ayon sa mambabatas, 200-nautical mile ang exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea subalit “…the reality is, the Navy lacks battle-ready ships. This is why we are having difficulty enforcing our sovereign rights over our EEZ there”.
Nakalulungkot, aniya, na sa kabila ng malawak na territorial waters ng Pilipinas at napakahabang coastline ay walang kagamit-gamit at kulang-kulang ang gamit ng Navy at maging ang Coast Guard.
Dahil dito, kailangan aniya na magkaroon ng maraming warships ang Pilipinas kahit kasinglakas umano ng naval warfare ng Indonesia na mayroong tatlong malalaki at mabibilis na warship kasama na ang mga submarines.
“It is unfortunate that the Philippine Navy’s top three warships are least 50 years old, and one of them is out for repair,” ayon sa mambaatas na ang tinutukoy ay ang BRP Gregorio del Pilar, BRP Ramon Alcaraz at BRP Andres Bonifacio na nakuha lamang ng Pilipinas sa U.S. Coast Guard sa pamamagitan ng “Excess Defense Articles Program” ng Amerika.
Bagama’t may dalawang missile-armed frigates na nagkakahalaga ng P18 Billion, ay sa Marso 2020 pa maidedeliber sa Pilipinas ang isa habang sa 2021 ang isa pa pero kailangan pa rin umanong dagdagan mga warships ng Pilipinas para sa WPS. Sa Indonesia umano ay mayroon silang 8 frigates.
“The next Congress should see to it that the Navy gets all the new funding needed to acquire more warships in the years ahead. We need more warships to protect our strategic maritime interests, including those in our EEZ,” ayon pa sa mambabatas.
317