(NI BERNARD TAGUINOD)
BAGAMA’T mayroong napupusuan na maging Speaker ng Kamara sa 18th Congress, wala umanong plano si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na impluwensyahan ang Kongreso kung sino ang mamumuno sa Kapulungan.
Gayunpaman, sa statement ng panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, tila nagpahiwatig ito kung sino ang kanyang “manok’ sa mga tatlong nangungunang kandidato s aSpeakership na sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
“I am only the Mayor of Davao City. I am not the correct person to endorse someone to be the next speaker. I only have a personal bet but do not intend to influence Congress,” ayon sa batang Duterte.
Mas nakabubuti aniya sa mga bagong halal na miyembro ng susunod na Kongreso na sila ang magdesisyon kung sino ang nararapat na maging speaker ng mga ito sa 18th Congress na alam nilang makapagsulong ng good government at positibong pagbabago sa Kapulungan at sambayanang Filipino sa kabuuan.
Subalit sa unang bahagi ng statement nito, itinanggi niya na inerekomenda niya si Romualdez ng Lakas-CMD na maging susunod na Speaker tulad ng ipinapalabas ng Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay.
“There is no truth to the claims made by Rep. Prospero Pichay that I “recommended” Rep. Martin Romualdez as Speaker of the House. If I did raise his hand during the HNP rally in Tacloban, I did so because he, just like Rep. Lord Allan Velasco, is supportive of the reform agenda of President Duterte,” ani Mayor Sara.
Kinumpirma rin nito ang pahayag ni Cayetano ng Nationalista Party (NP) na hindi ito lumapit sa kanya para sa kanyang endorsement subalit may banta umano ang running mate ng kanyang ama noong 2016 presidential election.
“Cong-elect Alan Peter Cayetano was correct when he said that he did not seek for my endorsement when he came to Davao to talk to me sometime last year. He, however, came with a veiled threat, that if I endorse Rep. Velasco for Speaker, I would break up the “group.” And this, he said, will affect the presidential elections of 2022,” ani Mayor Sara.
Dahil dito, mistulang si Velasco na kapartido ni Pangulong Duterte sa PDP-Laban ang “mabango” kay Mayor Sara kung saan ipinangalan sa kanya ang kapapanganak at bunsong anak ng kAongresista.
150