MAYORS, BGY CAPTAINS, PINAKIKILOS SA MEASLES OUTBREAK

tigdas8

(NI FRED SALCEDO/PHOTO BY EDD CASTRO)

INATASAN ng Department of the Interior and Local government (DILG) ang lahat ng alkalde at barangay captain na himukin ang mamamayan sa kanilang lugar na pabakunahan ang kanilang mga anak sa harap ng kinakaharap na measles outbreak sa bansa.

Ito ay matapos na magdeklara ang Department of Health ng measles o tigdas outbreak sa Metro Manila sanhi ng pagdami ng mga taong tinatamaan nito.

Ayon kay Ano, lubha ng nakakaalarma ang paglobo ng mga batang ngakakasakit ng tigdas dahil sa takot na magpabakuna matapos kumalat sa publiko ang kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine.

Hinikayat nito ang lahat ng lokal leader na magbahay-bahay at himukin ang kanilang mga constituents na mabakunahan para mailayo sa panganib ang kanilang mga kaanak.

“Kailangan ng matinding pagliligaw sa ating kababayan,” sabi niAno.

Kabilang sa mga lugar na may mataas na kaso ng tigdas ay ang Quezon City, Manila, Caloocan, Marikina, Pasig, Navotas, Paranaque, Taguig, Pasay, at Malabon.

 Samantala,  ayon sa health department, nangangamba sila dahil malaki umano ang ibinaba ng mga magulang na nagtutungo sa kanilang Health Center upang pabakunahan ng kontra-tigdas ang kanilang mga anak nitong nakaraang 2018 kasunod dahil sa idinulot ng  kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine para sa dengue.

 

101

Related posts

Leave a Comment