(NI ABBY MENDOZA)
NAGPADALA na ang Department of Agriculture (DA) sa United Kingdom ng samples na nakuha mula sa mga processed meat products na nagpositibo sa African Swine Fever(ASF) para isailalim sa mas masusing laboratory test.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, pinuno ng Crisis Management Task Force on Swine, kasama sa kanilang ipinadalang samples ay ang dalawang unbranded meat products at 1 branded na nauna nang kinakitaan ng ASF virus.
Inamin ni Cayanan na may ilang mga manufacturers din ang boluntaryong nagpadala ng kanilang samples upang masuri bilang pagtiyak na ligtas ang kanilang produkto.
Pinakakalma naman ng DA ang publiko kasunod ng pagkakaroon ng ASF ng mga paboritong almusal na longganisa, tocino at hotdog. Ani Cayanan, ligtas pa ring kainin ang mga ito basta’t tiyakin na nilutong mabuti.
Hindi rin umano maaaring i-recall agad ang mga produkto dahil kailangan pa ng laboratory test at ang ganitong kautusan ay hawak na ng Food and Drug Administration(FDA).
178