MEDIALDEA, OIC SA PALASYO

medialdea12

(NI BETH JULIAN)

HAHALILI sa puwesto bilang  officer-in-charge (OIC) si Executive Secretary Salvador Medialdea habang nasa China si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Medialdea muna ang mangangalaga sa pamahalaan habang ang Pangulo ay nasa Beijing, China, para dumalo sa Belt and Road Forum.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa pagtayong OIC ni Medialdea, malinaw na hindi pa rin pinagkakatiwalaan ng Pangulo si Vice-President Leni Robredo higit sa pangangasiwa ng bansa.

Ngayong Abril 25 hanggang 27 ang pamamalagi ng Pangulo sa China para dumalo sa nasabing forum bilang isa sa mga speaker.

Inaasahan ding magkakaroon ng bilateral mee­ting sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping gayundin ay inaasahang malalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China ang hindi bababa sa limang bilateral agreement na may kinalaman sa edukasyon, development assistance at kasunduan kontra korapsyon.

Nasa 40 world leaders ang dadalo sa Belt and Road Forum na layong ga­wing mas konektado ang mga bansa sa aspeto ng infrastructure development, financial integration, pakikipagkalakalan at iba pa.

Miyerkoles ng hapon nang umalis na ang Pangulo patungong China kung saan inaasahang ito ang magpapatibay sa kasunduan ng Pilipinas na makatrabaho ang partners nito sa rehiyon para palawigin ang regional connectivity at economic integration para sa pagsusulong ng development agenda at panatilihin ang regional growth and development.

 

94

Related posts

Leave a Comment