MEDICAL CANNABIS, SALIKSIKING MABUTI NG GOBYERNO — DOH

doh500

NANINIWALA ang Department of Health (DOH) na hindi pa napapanahon at nararapat pag-aralang mabuti ang panukalang paggamit sa marijuana sa medical use.

Ito ay matapos kumambyo si Pangulong Rodrigo Duterte na nauna nang pabor sa paggamit ng medical marijuana. Sinabi ng Pangulo na posibleng abusuhin lamang ang pagtatanim nito at maging problema pa kalaunan ng bansa.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, na dapat lamang na may sariling pagsasaliksik na gagawin ang gobyerno sa medical marijuana. Iminungkahi rin nito na maaring makiisa sa pag-aarala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Food and Drug Administration (FDA) at ibang kaukulang ahensya ng gobyerno ang pag-aaral.

Ayon pa kay Duque, naniniwala siya na may patunay na epektibo ang paggamit ng marijuana sa medikal. Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang House Bill 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

Pero sa kanyang talumpati sa Negros Occidental ay kumambyo ang Pangulo at sinabing tutol na siya sa medical marijuana dahil hindi pa umano ito napapanahon.

74

Related posts

Leave a Comment