PAYO NI DUTERTE SA MGA BABAE NA LUMAYO SA MGA PARI, WALANG SUSUNOD

Reps Emmi de Jesus at Arlene Brosas

Walang susunod sa payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kababaihan na lumayo sa mga pari upang hindi mapahamak ang mga ito.

Ito ang paninwiala ng Gabriela party-list group sa Kamara na kinakatawan nina Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas dahil maling tao umano ang nagbigay ng payong ito sa mga kababaihan.

“Why would women take an advice from a self-confessed womanizer and serial misogynist? The macho-fascist president would be the last person who could give decent advice on how women can stay away from or fight abuse,” ani De Jesus.

Ginawa ng mga ito ang nasabing pahayag matapos payuhan ni Duterte ang mga kababaihan na lumayo sa mga pari dahil pagsasamantalahan lamang umano ang mga ito dahil lalake pa rin ang mga alagad ng simbahang ito.

“The women should refrain from going near the priests because when you are near him, he will just smell the scent of your body. And if he corners you in the church, patay ka, he will court you. Do you know why? It’s because he is a man,” ani Duterte sa isa sa kanyang public engagement.

Naniniwala si Brosas na kaya ginagawa ito ni Duterte ay dahil alam nilang nagkakaisa na ang mga kababaihan at simbahan para panagutin siya sa mga krimen umano sa taumbayan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na galit si Duterte sa mga nagpapatakbo sa Simbahang Katoliko dahil nangunguna ang mga ito sa pagbatikos sa mga krimeng nangyayari sa lipunan tulad ng pagpatay sa mga pinaghihinalaang pa lamang na drug addict at pushers.

“Gabriela has never ceased to make perpetrators of abuse accountable whether they come from the ranks of the Church, police and military personnel or government officials — including the President himself,” ayon pa kay Brosas.

 

 

7

Related posts

Leave a Comment